Lalaki, nahulihan ng iligal na droga sa Oplan Sita ng pulisya sa Quezon City

27

Quezon City – Arestado sa “Oplan Sita” ang isang lalaki dahil sa walang suot na helmet at nakuhanan pa ng iligal na droga sa Old Balara, Quezon City.

Kwento ng pulis na si PO1 Jeremiah Cruz ng QCPD, nagsasagawa sila ng checkpoint ng lagpasan sila ng suspek na si Robert Salipot.

Napahinto naman ng bang kasama ng pulis ang suspek at dito na natuklasang may dala pa la itong limang sachet ng shabu kung saan inamin nito ang pagtutulak pero kasisimula pa lamang daw niya.

Ayon naman kay Supt. Rossel Cejas ng QCPD station-6, napag-alaman nila sa record na itinuturing pa lang high value target sa iligal na droga ang naarestong suspek

Iniimbestigahan na din ng pulisya kung kanino nito dadalhin ang droga at kung sino din ang supplier nito.

Facebook Comments