Nauwi sa pananaksak ang kasiyahang inuman matapos hindi matanggap ng isang lalaki ang pagkatalo sa bunong braso laban sa kanyang mga kainuman.
Sa impormasyon mula sa San Quintin Police Station na nakalap ng iFM News Dagupan, nag-iinuman ang suspek at ang kanyang mga kasama nang magkatuwaang magbunong braso. Ngunit matapos itong matalo, napikon umano ang suspek at nagsimulang manggulo sa lugar.
Sa hangaring awatin at pakalmahin ito, nilapitan ng biktima ang suspek—ngunit sa halip na magpaawat, bigla na lamang umano itong nanaksak.
Nagtamo ng saksak ang biktima sa likurang bahagi na agad isinugod sa pagamutan matapos ang nasabing insidente. Habang mabilis ding naaresto ng mga pulis ang suspek.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments