Bumungad sa dalawang menor de edad ang katawan ng isang lalaki habang umaakyat sa puno ng mangga sa likod ng kanilang bahay sa Brgy. Poblacion, Calasiao, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na isang 46 anyos na caretaker at residente sa lugar.
Ayon sa pamilya ng biktima, maaaring sinubukan nitong umakyat sa puno nang aksidenteng mahulog.
Madalas din umanong maglasing ang biktima kaya posibleng lasing ito ng mangyari ang insidente.
Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima at Idineklarang dead on the spot.
Hinihintay pa ang resulta ng post-mortem examination sa katawan nito upang malaman ang dahilan ng pagkamatay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments