Lalaki, Natagpuang Patay sa Irrigation Canal sa Santiago City

19

Cauayan City, Isabela- Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa isang irrigation canal na sakop ng Brgy. Patul, Santiago City.

Sa imbestigasyon ng Santiago City Police Office, kinilala ang biktima na si Edmar Leonin, 31-anyos, binata at residente rin sa nabanggit na lugar.


Sa pagtaya ng pulisya, posibleng nalunod ang biktima dahil sa kanyang labis na kalasingan ng magtungo sa irigasyon.

Sinubukan pa umano na i-revive ng nakakitang residente ang buhay ng biktima subalit wala na itong pulso.

Paalala ng pulisya sa publiko na iwasan ang sobrang pag-inom ng nakalalasing na inumin upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente.

Facebook Comments