Lalaki natagpuang patay sa kanyang kubo

11

Malay, Aklan – Patay na ng matagpuan ang isang lalaki sa kanyang kubo bandang alas – 7 kagabi sa Brgy. Nabaoy, Malay, Aklan. Base sa imbestigasyon ng mga kapulisan, na sinasabing nagbaril sa kanyang sarili ang biktima at natagpuan na lang ito ng kanyang anak na wala ng buhay sa loob ng kubo. Agad namang ipinaalam ng kanyang anak ang insidente sa kanilang pamilya. Narekober ng mga kapulisan sa lugar ang kalibre 38 na baril na pinaniniwalaang ginamit ng biktima. Nakatakda namang isailalim sa paraffin at post mortem examination ang katawan ng biktima. NOTE: Ang lahat ng problema may solusyon. Kung ikaw ay may problema at gusto mong makahanap ng kausap, tumawag lamang sa HOPE hotline ng DOH-Center for Health Development sa Western Visayas sa numero. *1-800-10-333-8336 *0998-532-4047 *0917-775-9256 *0925-546-9919

Facebook Comments