Lalaki, natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay

Legazpi City, Philippines – Isang bangkay ng isang lalaki ang natagpuan sa loob din ng kaniyang tahanan sa Balete Street, Phase 1, Pag-Asa Drive Barangay Rawis Legazpi City.

Sa ulat ng mga awtoridad matapos magsagawa ang SOCO ng Legazpi City Police District ng imbestigasyon at matanggap nila ang ulat na isang lalaki ang patay sa loob mismo ng kaniyang tinitirhang bahay.

Ang biktima ay kinilalang si Roberto Arkanghel A. Francisco, 62 taong gulang, may asawa, ang naturang biktima ay nakita na lamang sa loob ng kaniyang tahanan.


Ang kaanak nito na si Amanda Arcangel ay siyang dumulog sa barangay tanod para ipag-bigay alam na ang kaniyang lolo ay wala nang buhay.

Sa pag-responde ng SOCO ay mabilis din napag-alaman na inatake ang naturang biktima, pero aniya ay isasailalim pa ito sa ngayon sa awtopsiya para matukoy kung may foul play o wala ang pagkasawi ng biktima.

DZXL558, Leo Barcellano

Facebook Comments