LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA MANGROVE AREA NG BRGY.MAGPAG-ONG BATAN

14

Batan, Aklan – PATAY na ng matagpuan ang isang lalaki sa mangrove area ng Brgy. Magpag-ong, Batan Linggo ng hapon. Ang biktima ay kinilalang si Reynaldo Tupaz, 44-anyos at residente ng Brgy. Ipil sa ng nasabing bayan. Nakitaan ito ng sugat sa dibdib, paa, leeg at siko. Base sa imbestigasyon ng Batan PNP, na nakita ang bangkay ng mga nanghuhuli ng alimango at agad na ipinaalam kay Punong Barangay Ruby Inson ng barangay Magpag-ong. Sa dagdag na imbestigasyon ng mga kapulisan sa lugar na ilan sa mga residente ang nagsabi sa kanila na may narining silang mga putok Sabado ng gabi sa barangay Ipil. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Batan PNP hinggil sa nasabing krimen.

Facebook Comments