Lalaki, patay habang kumakanta!

Ilocos Norte – Huwag masyadong bumirit! Patay ang isang karpintero matapos makuryente habang kumakanta sa isang videoke bar sa Ilocos Norte.

Kakanta sana ang biktimang si Rufo Orio nang makuryente siya nang hawakan ang mikropono.

Dinala sa ospital ang biktima pero hindi na umabot ng buhay.


Inaalam na ng awtoridad kung may pananagutan ang may-ari ng videoke sa insidente.

Paalala pa ng ga awtoridad, laging suriin at inspeksyunin ang mga koneksyon ng videoke machine.

Facebook Comments