Lalaki, patay habang pinagmamalupitan ang misis at stepson

Sta. Cruz – Habang hinahampas ng kadena ang kanyang misis at anak-anakan, nasawi ang isang lalaki sa Sta. Cruz Maynila.

Madalas mag-away ang mag-asawang sina Elmer at Cecilia Alvarez.

Nagtamo ng sugat sa ulo at katawan si Cecilia dahil sa mga hampas ng kadena habang tinangka namang saksakin ng suspek ang kanilang stepson.


Sa gitna ng away ay bigla na lamang nangisay ang suspek makaraang atakehin ng stroke.

Sa kabila ng pananakit, labis ang pagdadalamhati ni Cecilia sa pagkamatay ng kanyang asawa.

Facebook Comments