Lalaki patay makaraang makuryente sa CamSur; Isa sugatan nang mabagsakan ng puno sa Polangui, Albay

33

Patay ang isang lalaki matapos makuryente sa bayan ng Libmanan, lalawigan ng Camarines Sur.

Kinilala ng Libmanan Municipal Police ang biktima na si Marco Paolo Ursua, 33-anyos, residente sa Centro B, Barangay Loba-Loba.


Nangyari ang insidente dakong alas-10 ng umaga kahapon kung saan, natagpuan ng residenteng si Nerissa Ternate ang wala nang buhay na biktima sa kanal na katabi lang ng bahay nito.

Batay sa imbestigasyon, nag-aayos lamang ng kanilang bubong ang biktima nang madikit ang yero sa isang damaged live wire na siyang dahilan ng pagkakakuryente nito.

Naghahanda raw kasi ng biktima sa pagdating ng bagyong Tisoy sa kanilang lugar nang mangyari ang insidente.

Sa lakas ng impact ng kuryente ay dumausdos ito sa kanal katabi lang ng kanilang bahay at doon ay sinasabing agad binawian ng buhay.

Samantala, sa Polangui Albay naman isa ang sugatan matapos na mabagsakan ng puno dahil sa lakas ng hanging nararanasan.

Facebook Comments

From Advertisers