Lalaki, patay matapos aksidenteng mabaril ng shotgun

Mandaluyong City – Patay ang isang lalaki matapos aksidenteng mabaril ng kanyang tyuhin sa barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Kinilala ang biktima na si Arnel Pabunot, 28-anyos na nasawi bunsod ng tama ng bala ng shotgun sa kaliwang bahagi ng kanyang balakang habang nakatakas naman ang suspek na si Junior Onse.

Ayon sa mga unang rumesponde sa insidente naabutan pa nilang buhay si Pabunot at nasabi pa nito sa kanila na aksidente siyang nabaril ng kanyang tiyuhin.


Narekober naman ang basyo ng bala ng shotgun malapit sa pinangyarihan ng krimen at hinalang ito ang nakapatay sa biktima.

Facebook Comments