Lalaki, Patay matapos Bumangga sa Poste ang Minamanehong Motorsiklo; Binti, Naputol

50
Cauayan City, Isabela- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaki matapos maputulan ng binti ng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang poste pasado alas-2:00 ng hapon kahapon, Enero 9, 2021 sa national highway, Barangay Balasig, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Felix Rumbaoa, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Masipi East sa nabanggit na bayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMSG. Elmer Garo, imbestigador sa insidente, lumabas sa kanilang imbestigasyon na umalis ng kanilang bahay ang biktima para bumili ng gamot sa botika at nang papauwi na ito ay naisipang sumaglit sa isang inuman para uminom ng alak.

Lumabas rin sa pagsisiyasat ng PNP, hindi umano nakontrol ng biktima ang manibela dahil sa mabilis na takbo nito hanggang sa bumangga ito sa isang poste at concrete barrier.

Paalala naman ng pulisya sa publiko na tiyaking nasa kondisyon ang sarili at iwasan ang magmaneho kung lango sa nakalalasing na inumin.

Facebook Comments