Lalaki, patay matapos gilitan ng kapatid ng kanyang live-in partner sa Quezon City

29

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos gilitan ng kapatid ng kanyang live-in partner sa Santa Barbara Street, Barangay Gulod, Quezon City kahapon dahil sa umano’y hindi pagkaka-intindihan na naaayon sa kanilang kultura bilang Maranao.

Ayon sa suspek na kinilala lang na si Asanulin na galing pa ng Mindoro, susunduin niya sana ang kanyang kapatid na babae sa Maynila para iuwi sa kanilang probinsya.

Sa kanilang pagkikita, nakita niya na may kasamang lalaki sa iisang bahay ang kanyang kapatid na ayon sa mga kapitbahay nito ay nagsasama na ang dalawa bilang mag-asawa.

Kinompronta niya ang lalaki kung saan nagkasagutan ang dalawa na nauwi sa pagkasawi ng biktima.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na ikinuwento ang buong pangyayari.
Nation”

Facebook Comments