Lalaki, patay matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Caloocan City

Caloocan City, Philippines – Dead on the spot ang hindi pa nakikilalang lalaki matapos itong makipagbarilan sa mga otoridad sakay ang ng isang itim na kotse sa Caloocan City.

Sa report Bulacan Police Provincial Office, nagsasagawa sila ng checkpoint sa Quirino Highway, Sapang Alat, Brgy. San Manuel saka pinara angkotse may conduction sticker na vj-1126.

Bigla na lamang hinarurot ng driver ang kanyang sasakyan sabay paputok ng baril sa mga pulis kaya’t napilitan ang mga otoridad na gumanti saka ito napatay.


Sa pagkakalarawan ng mga otoridad, nakasuot ang lalaki ng puting t-shirt, brown na pantalon at may Chinese character na tatoo sa kanang braso.

Dahil dito, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insidente.
DZXL558

Facebook Comments