Lalaki, patay matapos makuryente sa Maynila

Manila, Philippines – Agad na binawian ng buhay ang laborer na si Randy Lavapie ng matapos makuryente sa Brgy. 650 Zone 68, sa Port Area Manila kaninang madaling araw.

Nakita na lamang ng mga kapamilya si Randy Lavapie na nangingisay ito sa poste at nakasabit sa kawad ng kuryente.

Nagkakabit ng jumper o iligal na koneksyon ng kuryente ang biktima nang mangyari ang insidente.


Hindi naman agad naibaba ang biktima dahil kinailangan pa ng tulong ng power distributor upang hindi madamay ang iba pa.

Nagtamo ng mga sugat sa kamay at likuran si Lavapie dahil sa daloy ng kuryente at naputulan pa ito ng daliri.

Ayon kay Brgy. Xo Alex Alaban, may ilan talagang residente sa lugar na nagkakabit ng iligal na koneksyon ng kuryente kahit na alam nila itong bawal.

Nagpapaalala naman ang otoridad tungkol sa nasabing iligal na gawain dahil bukod sa pagkakakulong ay buhay ang nakataya sa pagkakabit ng jumper.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments