Lalaki, patay matapos manlaban sa buy bust operation

43

Sa Iloilo, Patay ang isang newly identified drug personality sa Iloilo City matapos manlaban sa ginawang buybust operation ng otoridad kaninang umaga sa distrito ng Mandurriao.

Ang subject ay kinilalang si Jovanie Mejica, 37 anyos ng Blk 10, Lot 5, Imperial 6 Mandurriao, Iloilo City.


Ayon kay Police Major Marlon Valencia, itinuturing na high value target level 1 si Mejica at kilalang tulak sa lugar.

Sinabi ni Valencia na unang nagpaputok si Mejica kaya’t napilitan ang mga otoridad na lumaban. Tinamaan pa ang isang pulis sa dibdib ngunit hindi tinablan dahil sa suot na bullet proof vest.

Nakuha sa crime scene ang granada, mga bala, drug paraphernalia at P30,000 na buy bust money.

Facebook Comments

From Advertisers