Lalaki, patay matapos pababarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi
pa nakikilalang suspek Tondo, Maynila kaninang mag-aalas-11 ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ryan Tom Cay na residente sa Batangas street ng
naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, naka-orange na jacket at
naka-helmet ang suspek sa pamamaril na mabilis tumakas matapos ang nagawang
krimen.


Nakuha sa lugar ng krimen ang isang basyo ng bala mula sa hindi pa tukoy na
kalibre ng baril.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon habang inaalam din kung nasa drug
watchlist ang biktima.

 

Facebook Comments