Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Malate

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Malate, Maynila.

Dead on arrival sa Philippine General Hospital ang biktima na nakilalang si Raymond Monares, 31-anyos, tubong Negros Occidental at nakatira sa Singalong Street ng nabanggit na lugar.

Nabatid na dadalo lang sana sila sa hearing sa barangay hall ng Barangay 726 dahil sa umaapaw na drainage sa kanilang inuupahang bahay nang biglang lapitan ng gunman si Monares at binaril ng dalawang beses sa ulo bago tumakas.


Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing krimen.
DZXL558

Facebook Comments