Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Marikina City

450

Manila, Philippines – Patay ang isang negosyante lalaki matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Nangka Marikina City.

Kinilala ang biktima na si Godofredo Espiritu 47 anyos residente ng Langka Street Benedict Subdivision Brgy. Nangka Marikina City.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya sakay ng kotse ang biktima kasama ang kanyang pamilya pero lingid sa kaalaman nito ay sinundan ng riding in tandem si Espiritu sa Langka Street Benedict Subdivision Brgy. Nangka at walang kaabog-abog pinagbabaril kung saan natagpuan kagabi ang bangkay ng biktima sa driver seat ng kotse nito na may tama ng bala ng baril sa dibdib.

Kwento naman ng kapitbahay ng biktima nagulat nalang siya nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kayat agad itong lumabas upang tingnan sa labas ng bahay.

Laking gulat nalamang niya ng humihingi na ng tulong ang asawa ni Espiritu.

Ligtas sa panganib ang mag-ina ni Espiritu na pawang nakaupo salikuran ng bahagi ng sasakyan nang mangyari ang pamamaril.




Matapos ang pamamaslang ay mabilis na tumakas ang mga suspek papalayo sa pinangyarihan ng krimen.

Masusing inaalam ngayon ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa pamamaril.
DZXL558, Silvestre Labay

Facebook Comments