Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Jones, Isabela; imbestigasyon, nagpapatuloy

38

Manila, Philippines – Patuloy ang imbestigasyon ng Jones Police Station sa naganap na pamamaril noong gabi ng Biyernes Santo sa Barangay 2, Jones, Isabela

Ang biktima ay kinilalang si Bryan Paul Agsalda, 22-anyos, binata na residente ng Bliss, San Isidro, Isabela.

Una rito, nakatanggap umano si police Sr. Inspector Samuel Lopez ng Jones Police Station ng tawag mula kay Vice Mayor Evelyn Raspado na nakarinig sila ng putok ng baril sa Jones Cockpit Arena.

Agad na pumunta ang grupo ni SPO2 Franklin Alvarez sa lugar at nadatnan ang nakahandusay na katawan ng biktima na may tama ng bala sa kanyang ulo at katawan.

Natagpuan ng mga pulis sa crime scene ang isang slug at ilang basyo ng bala ng 9mm pistol.
Nation”

Facebook Comments