Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Las Piñas Cit y

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Marcos
Alvarez Avenue, Brgy. Talon Singko, Las PiƱas City.

Kinilala ang biktimang si Jayson Palisoc, 26 anyos, walang trabaho.

Sa ulat, naghihintay lamang sa kanyang asawa ang biktimang si Jayson
Palisoc nang pagbabarilin ng mga suspek na riding in tandem.


Tatlong tama ng bala sa katawan ang tinamo ng biktima na naging sanhi ng
agarang pagkamatay nito.

Nabatid na nakita ring patay sa kahabaan ng Marcos Alvarez Avenue ang kuya
ng biktima noong Oktubre ng nakaraang taon matapos mawala ng apat na araw.

Iniimbestigahan na ng Las PiƱas PNP kung may kinalaman sa naturang krimen
ang una nang pagpatay sa kuya ng biktima.

Facebook Comments