Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa QC

53

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob
ng kanilang bahay sa Quezon city.

Sa report, dating ng sumuko sa oplan tokhang ang biktimang si Jun Jomar
Rivera, 30-anyos ng 4th Alley Kalayaan, Barangay Batasan.

Ayon kay Gaspar Rivera, tiyuhin ng biktima, madalas niyang sinasabihan ang
pamangkin na talikuran na ang bawal na gamot, bago mahuli ang lahat.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente kung saan walang nakakita sa
pamamaril.

Facebook Comments