Lalaki patay, matapos pagbabarilin sa Port Area Maynila

28

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin habang natutulog sa Port Area, Maynila.

Patuloy pa ring inaalam ng Manila Police District-Homicide Division ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawang nasa tatlumpu hanggang tatlumpu’t limang taong gulang, may tattoo sa tiyan na “Philip”, nakasuot ng dilaw na t-shirt at pink na jersey shorts.

Nakarinig ng maraming putok ng baril ang mga residente sa R. Oca Street corner Delgado Street sa Port Area at nakita na lang ang biktima na nakahandusay sa ilalim ng isang truck na may container van.

Labing isang bala ng 9MM na baril ang natagpuan ng SOCO sa pinangyarihan ng insidente.

DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments