Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Quezon City

Hanggang sa mga oras na ito ay wala pang pagkakakilanlan ang bangkay ng lalaking natagpuan sa Quirino Highway sa Brgy. Greater Lagro sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon kay PLt. Col. Richard MepaƱa, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 16, walang nakitang anumang pagkakakilanlan sa biktima na tinatayang nasa edad 30 anyos at walang suot na underwear.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang iwan ng mga hindi nakilalang mga suspek ang bangkay ng biktima na nakasilid sa loob ng sako sa tabi ng kalsada malapit sa compound ng Lamesa Dam.


Bago ito, ilang putok ng baril ang narinig sa lugar.

Ayon kay PLt. Col. MepaƱa, may indikasyon na pinahirapan muna ang biktima bago ito patayin batay na rin sa mga nakitang sugat sa ulo at ibaā€™t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, hindi naman kilala ng mga tauhan ng barangay ang biktima kaya posibleng galing ito sa ibang lugar at itinapon lang doon.

Facebook Comments