Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa siyudad ng Santiago

104

Santiago City, Isabela – Pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek kahapon ang isang lalaki sa siyudad ng Santiago.

Nakilala ang biktima na si Ralph Lauren, trenta anyos at residente ng Purok Uno Centro West Santiago City.

Binaril ang biktima pasado alas singko kahapon sa purok kuwatro ragos street San Andres Santiago City na dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.


Lulan ito ng kaniyang single motorcycle na kulay itim at may plakang qq 5132.

Patungo ito ng Agustin Street nang pagbabarilin ng anim na kalalakihan sakay ng tatlong motorsiklo.

Nakasuot ang mga ito ng helmet at face mask.
Inaalam pa rin ang motibo sa naturang pamamaril.



Facebook Comments