Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Tondo Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Hermosa Street, Tondo, Maynila.

Sa report ng Manila Police District, natagpuan nila ang bangkay ng lalaki sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension na duguan at may tama ng bala sa katawan.

Sa paglalarawan ng kapulisan sa biktima, nakasuot ito ng puting sando, maong na pantalon at tinatayang nasa 22 hanggang 25 taong gulang at may taas na 5’2.


Nakuha ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng kapulisan sa motibo ng suspek sa pamamaril sa biktima.
DZXL558

Facebook Comments