Lalaki, patay matapos tumalon sa LRT Balintawak

202

Tumalon sa kaniyang kamatayan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa LRT Balintawak.

Ayon kay Jocelyn Requeqrue, isang vendor, nagulat na lamang siya nang biglang may nahulog sa taas ng LRT station.


Tumama pa aniya ito sa bubungan ng isang pampasaherong jeep bago lumagapak sa kalsada pa Southbound.

Dinala pa sa Quezon City General Hospital ang lalaki.

Ayon naman sa isang saksi, bago tumalon ang lalaki ay nakikipag away pa raw siya sa kasama niyang babaeng pasahero.

Pinigil muna ng LRT management ang babae na iniimbestigahan na ng mga pulis.

Facebook Comments