Patay ang isang lalaki matapos na maipit sa karambola ng apat na sasakyan sa kahabaan ng Barangay Calaocan sa bayan ng Manaoag.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, bigla umanong nawalan ng preno ang isang jeep habang binabagtas ang nasabing kalsada dahilan upang bumangga ito sa sinusundan na tricycle, motorsiklo at Hilux.
Naipit ang tricycle at motorsiklo sa gitna kung saan sakay ang biktima na naging dahilan ng pagkasawi nito. Dinala pa sa ospital ang biktima subalit idineklara nang dead on arrival habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng jeep.
Bukod dito ay may dalawa pang sugatan sa naturang aksidente at agad naman na nilapatan ng paunang lunas.
Paalala ng awtoridad sa mga motorista ang pag-iingat sa pagmamaneho lalo na sa mga pampublikong kakalsadahan at magsuot ng mga proteksyon sa katawan upang maiwasang masangkot sa mga aksidente at disgrasya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨