Lalaki, Patay sa Pamamaril sa Isabela

24

Cauayan City, Isabela- Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin pasado alas 8:00 kaninang umaga habang naglalakad patungo sa kanyang sasakyan partikular sa likod Cabagan Gymnasium sa bayan ng Cabagan, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Vicente Bagunu, 51 taong gulang, may-asawa, at residente ng Brgy. Anao, sa nabanggit na bayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Rey Lopez, Deputy Chief of Police ng Cabagan Police Station, isang concerned citizen aniya ang nagpaabot ng impormasyon sa kanilang himpilan kaugnay sa nangyaring pamamaril sa kanilang lugar na agad namang inaksyunan ng kapulisan.


Nadatnan ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ang nakabulagtang katawan ng biktima na duguan ang ulo.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang naglalakad ang biktima patungo sa kanyang sasakyan para tignan ang na-flat na gulong nang bigla na lamang nilapitan ng hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo at binaril ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang krimen, agad na tumakas ang gunman sakay ng di pa matukoy na motorsiklo.



Kasalukuyan naman ang isinasagawang dragnet operation ng kapulisan sa probinsya para sa posibleng pagkakakilanlan at ikadarakip ng salarin.

Patuloy din ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring pamamaril.


Facebook Comments