Lalaki – patay sa pamamaril sa Las Piñas

Las Piñas City – Patay sa pamamaril ang isang lalaki sa barangay Pamplona 3, Las Piñas City.

Alas 12:30 kaninang tanghali, nasa harapan ng isang bakery ang biktima nang biglang siyang pagbabarilin ng mga suspek sakay ng kulay pink na yamaha mio.

Mabilis namang tumakas patungo sa direksyon ng alabang-Zapote ang riding-in-tandem.


Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima at ang motibo ng pamamaril.

Facebook Comments