Lalaki, patay sa pamamaril sa Muntinlupa City

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo sa Muntinlupa City.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na nasa hustong gulang, nakasuot ng pulang t-shirt, kulay puting short pants at naka tsinelas.

Batay sa salaysay ng mga residente, anim na putok ng baril ang narinig nila mula sa basketball court sa Brgy. Upper Sucat sa naturang lungsod.


Nang silipin nila ang lugar, nakita na lang nila ang biktima na duguang nakabulagta sa lugar.

Sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang insidente upang mabatid ang motibo sa krimen at gayundin ang posibleng pagkakakilanlan ng mga salarin.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments