Lalaki, patay sa pamamaril sa Parañaque City

Manila, Philippines – Patay ang isang Greg Pabingwit matapos pagbabarilin ng isang di nakilalang gun man sa ParaƱaque.
Pasado ala singko kahapon, Nakatanggap ng tawag ang Barangay BF Homes sa isa nilang volunteer na may binaril na isang alias Rambo sa Target 2 brgy BF.

Nang kanilang respondehan, nakita nila si Greg Pabingwit sa loob ng bahay na nakabulagta at may apat na tama ng bala ng caliber 45 sa ibat ibang parte ng katawan.

Nakasuot umano ng bonnet ang suspek.


Malimit na inirereklamo si Pabingwit dahil sa pagwawala sa lugar.

Notoryus din umano ito na gumagamit ng illegal na droga.

DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments