Lalaki, patay sa pamamaril sa Tondo, Maynila

222

Manila, Philippines – Patay na rin ang isang lalaki matapos pagbabarilinl ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo General Hospital ang biktima na nakilalang si Ian Oconer, 38-anyos, computer technician, at nakatira sa nabanggit na lugar.


Nakatayo lamang sa may Osorio Street kanto ng Varona Street si Oconer nang biglang sumulpot ang riding-in-tandem saka pinagbabaril ang biktima at matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga salarin.

Aminado naman ang nanay ng biktima na gumagamit ng iligal na droga ang kanyang anak at matagal na niyang pinagsasabihan na itigil na ang masamang bisyo pero hindi ito nakinig sa kanya.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen.

DZXL558




Facebook Comments