Lalaki pinag babaril sa QC, patay

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng
hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng kanyang bahay sa Batasan Hills,
Quezon City kagabi.

Kinilala ang biktima na si John Jomar Rivera na tinatayang nasa 30 taong
gulang .

Sa inisyal na imbistigasyon, nasa kusina ang biktima nang pagbabarilin ng
mga suspek.


Agad naman nakatakas ang mga salarin gamit ang isang motorsiklo.

Aminado naman ang mga kamag-anak ng biktima na dating gumagamit ng iligal
na droga si Rivera.

Patuloy ang imbistigasyon ng mga owtoridad sa krimen.

Facebook Comments