Lalaki, pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Iloilo

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraang barilin ng riding-in-tandem sa labas ng sabungan sa barangay Buga, Leon, Iloilo.

Batay sa imbestigasyon, pasakay na ng motorsiklo ang biktimang si Joven Campo, 35-anyos nang pinagbabaril ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Kahit nakahiga na sa kalsada ang biktima, nilapitan pa ito ng mga suspek para barilin para matiyak na hindi na ito mabubuhay.


Narekober sa insidente ang siyam na basyo ng bala ng kalibre-45 baril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon.
DZXL558

Facebook Comments