Lalaki pinagsasaksak gamit ang srew driver sa Pangasinan

Himalang nakaligtas ang isang lalaki mula sa pagkakasaksak sa bayan ng Anda, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Manolo Yumol, bente nuebe anyos, residente ng Macadocandong ng nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakikipag inuman ang biktima sa suspek na kinilalang si Rogelio Lupera, trentay syete anyos, mangingisda at residente ng parehong lugar. Sa kasagsagan ng kanilang inuman ang dalawang ay bigla na lamang nagkasagutan at nagkainitan. Agad bumunot ng isang screw driver si Lupera at pinagsasaksak ang biktima.
Isinugod sa Bolinao Community Hospital ang biktima na nagtamo ng maraming saksak sa kanyang katawan na himalang nakaligtas.
Hawak na ngayon ng Anda PNP ang suspek at ang screw driver na ginamit niyang panaksak. Inihahanda na ang kasong isasampa dito. [image: rmn-blue-8.jpg]

Facebook Comments