Lalaki, pinatay ang sariling ama dahil sa illegal fishing apparatus sa Laguna

133

Laguna, Philippines – Pinatay ng isang lalaki ang sariling ama matapos ang nangyaring pagtatalo sa Barangay Sisilmin sa Cavinte, Laguna.

Sa ulat, habang nag-iinuman, pinagtatalunan ng mag-amang Restituto Blasco, 52-anyos at Danny Blasco, 22-anyos kung sino sa kanila mahusay na gumawa ng illegal fishing apparatus o yung panguryente ng isda.


Nainsulto at napikon si Danny makaraang igiit ng ama na mas mahusay ito kaysa kanya.

Dito na binaril sa kaliwang sentido ng Danny ang kanyang ama gamit ang kalibre-22.

Tumakas ang suspek sakay sa isang motorsiklo, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.
DZXL558

Facebook Comments