Lalaki, pisa ang ulo matapos masagasaan ng truck!

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng trailer truck sa kanto ng road 10 at Pacheco Street sa lungsod ng Maynila.

Dead on the spot ang hindi pa nakikilalang lalaki matapos mapisa ang ulo nang pumailalim sa truck.

Ayon sa pahinante ng trailer truck na si Pedro Maso, itatabi lang sana nila ang pinapasadang truck sa gilid ng road 10 malapit sa Manila North Harbour nang makarinig sila ng mga sumisigaw na may nasagasaan daw sila.


Pagbaba sa truck ay tumambad sa kanila ang nakahandusay na katawan ng lalaki na wala ng buhay.

Hinala ng pahinante, posibleng humabol ang biktima para makasabit sa kanilang truck pero nadulas ito kaya nahulog at nasagasaan.

Batay itsura ng biktima, posibleng galing umano itong trabaho dahil nakasuot pa ito ng back pack at papauwi na sana kaya nakisabay sa truck nang mangyari ang aksidente.

Nahuli naman ang driver ng truck na si Eugene Madrona na isinasailalim na sa imbestisgasyon.

Facebook Comments