LALAKI SA AGUILAR, ARESTADO MATAPOS MANAKOT; ANG GINAMIT NA PANAKOT, ISA PALANG PLASTIC TOY GUN

Arestado ang isang 42 anyos na lalaki at residente ng Aguilar, Pangasinan matapos na manakot gamit ang umano’y baril sa kapwa nito residente.

Ayon sa idinulog ng biktima sa tanggapan ng pulisya, nakatayo umano sa labas ng bahay ng nito ang suspek at saka bumunot ng umano’y baril mula sa bag nito at saka itinutok sa kanya.

Agad umanong tumakbo ang biktima sa asawa nito at dumulog pulisya upang isangguni ang naturang pangyayari.

Pagdating ng mga rumespondeng pulis, dito umano nila nakita ang suspek na palakad-lakad dala ang naturang baril at agad din umanong itinago nang makita ang mga pulis.

Ang nakumpiskang baril sa suspek, napag-alamang isang plastic toy gun. Nakumpiska rin sa suspek ang isang magazine ng toy gun at apat na live ammunition ng caliber 9mm.

Nasa kustodiya na ng Aguilar MPS ang suspek na nahaharap sa kasong Grave Threats at Violation of RA 10591 at paglabag sa COMELEC Gun Ban. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments