LALAKI SA BAUTISTA KRITIKAL MATAPOS MAKASAGASA NG ASO AT BUMANGGA PA SA KASALUBONG NA BUS

Kasalukuyang inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang isang singkwenta’y otso anyos na lalaki matapos ang naganap na aksidente sa bayan ng Bautista.
Ang biktima ay nakilalang si Rodolfo Saguin, residente ng Brgy. Cacandungan sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon na pasado alas dos ng madaling araw habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Brgy. Nandacan nang mabangga nito ang isang aso na biglang tumawid sa kalsada.

Sa kasamaang pala ay tumama pa ang motor ng biktima sa kasalubong na bus na dahilan upang magtamo ito ng matinding sugat sa ulo.
Agad naman itong na isugod sa pagamutan at kasalukuyang inoobserbahan. |ifmnews
Facebook Comments