Lalaki sa Las Piñas City, hinuli dahil sa pagbibitbit ng droga at hindi pagsusuot ng face mask

27

Arestado ang isang lalaki matapos na masita sa hindi pagsusuot ng facemask sa Barangay Talon 3, Las Piñas City.

Kinilala itong si Eugene Cosme, 26-anyos, residente ng Barangay Almanza Uno, Las Pinas City.


Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang mga tauhan ng Las Pinas City Police Station sa kahabaan ng Alabang Zapote Road, Barangay Talon 3, Las Piñas City nang makita ang suspek.

Napansin nilang wala itong suot na facemask kaya nila sinita hanggang sa kapkapan ay nakuha ang dalawang sachet g shabu na may bigat na 0.8 grams at may street value P5,440.

Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 at pagalabag sa ordinansa ukol sa Mandatory Wearing of Face mask.

Facebook Comments