LALAKI SA LIKOD NG SPASS ID FOR SALE, KAKASUHAN NA NG PNP

16

BINALONAN, PANGASINAN – Nakatakdang kasuhan ng PNP ang suspek na nasa likod ng SPASS ID sale sa bayan ng Binalonan.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Binalonan PNP Chief of Police Major Aurelio Manantan, sinabi nito na nakita nila sa mga post ng suspek sa social media nito kung saan ay naghahanap ito ng mga nais magpagawa ng SPASS ID dahilan para ikasa ang entrapment operation.

Subalit agad na tumakas ang suspek ng matunugang mga pulis ang kausap nito dahilan para maiwasan ang SUV na sasakyan nito.


Nakita pa mismo sa loob ng sasakyan ang ilan pang mga SPASS ID na nakatakda sanang i-deliver ng suspek subalit napigilan na ito ng pulisya.

Facebook Comments