LALAKI SA LUNGSOD NG CAUAYAN, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION

Nasakote ng mga otoridad ang isang indibidwal mula sa lungsod ng Cauayan matapos itong magbenta ng iligal na droga sa ilang kasapi ng Cauayan City PS na nagpanggap bilang poseur buyer nitong ika-22 ng Nobyembre taong kasalukuyan.

Kinilala ang akusado sa alyas na “Jaycee” di n’ya tunay na pangalan, 20- taong gulang, walang asawa, at residente ng Brgy Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Isinagawa ang buy-bust operation bandang 1:46 ng hapon nitong araw ng Martes sa Purok 6 San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Arvin Asuncion ng Cauayan City PS katuwang ang PiU-PDEU, at IPPO ang nasabing operasyon na nag resulta sa pagkakadakip sa nasabing tulak ng iligal na droga.

Nakumpiska mula sa pag iingat ng suspek ang dalawang piraso ng marijuana leaves with fruiting tops na noo’y nakabalot sa puting papel na tumitimbang ng nasa isang (1) gramo at may street value na P1,000.

Maliban dito, nakumpiska rin mula sa suspek ang isang (1) box ng selectanna naglalaman rin ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na may bunga, at isang (1) yunit ng de keypad na cellphone.



Kaugnay nito, idinala na sa Cauayan City Forensic Unit ang nasamsam na mga ebidensya Kasama na ang ilegal na droga para sa laboratory examination.

Nasa kustodiya na ngayon ng Cauayan City PS ang suspek at mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinubukan naman ng ifm news team na kunan ng pahayag ang suspek pero tumanggi na itong mag pa interview.

Facebook Comments