Lalaki sa Marikina, inaresto matapos hindi sumunod sa mga pulis na nagpapatupad ng curfew sa lungsod

69

Imbes na sumunod, nagmatigas pa at sinagot ang mga otoridad na nagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Dahilan para arestuhin ng Marikina PNP ang suspek na kinilalang si Adrian Aclo 41y/o walang trabaho at residente ng Urban bliss, Barangay Barangka Marikina City.


Ayon sa mga otoridad kagabi nang magpatrolya sila sa lugar upang ipaalala sa mga residente ang umiiral na curfew at ECQ sinita nila ang suspek na si Aclo dahil pakalat kalat ito sa kalsada.

Dito nagsisigaw ang suspek at imbes na sumunod sa mga pulis nagawa pa nitong makipag matigasan.

Dahil dito inaresto ang suspek at agad dinala sa presinto.

Kasalukuyan itong nahaharap sa paglabag sa RA 11332, Resistance and Disobedience and Unjust Vexation.

Facebook Comments