Lalaki sa Taguig, sinita dahil sa traffic violation at nakuhaan ng mahigit ₱100,000 halaga ng shabu

89

Arestado ang isang lalaki matapos makuhaan ng ilang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱117,000 sa Brgy. Upper Bicutan, Taguig City.

Kinilala itong si Benjamin Padilla, 50 anyos, residente ng Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.


Batay sa ulat ng Southern Police District, nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga pulis na nakatalaga sa sub-station 7 ng Taguig City Police Office nang maispatan ang suspek na sakay ng motorsiklo na walang suot na helmet.

Kaya pinahinto ito at hiningian ng lisensya pero sa halip ibigay ay tumanggi pa ito, kaya agad na kinapkapan ng mga pulis at nakuha ang dalawang plastic sachet na may lamang shabu na aabot sa 17.3 grams na may halagang ₱117,640.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek at nahaharap na sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments