LALAKI, SINAKSAK NG KAPATID DAHIL SA LUMANG ALITAN SABAYAN NG MALASIQUI

MALASIQUI, PANGASINAN – Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang trentay nwebe anyos na lalaki matapos itong pagsasaksakin ng nakababatang kapatid nito sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Ang biktima ay nakilalang si Ariel Lunca samantalang ang suspek ay nakababatang kapatid nito na si Armenio Lunca.

Naganap ang insidente habang nag iinuman ang mga ito kasama ang isang kaibigan nang maungkat ang lumang alitan ng dalawa.


Walang anu ano ay sinaksak ng suspek ang biktima sa bahaging tiyan kung saan ay agad itong isinugod sa pagamutan habang tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Facebook Comments