Lalaki, sugatan matapos barilin ng suspek dahil sa nawawalang underwear ng kanyang asawa sa Batangas

870

Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Barangay Simlong, Batangas City kagabi.

Sa ulat ng Batangas Police, alas-10:00 ng gabi kagabi nangyari ang pamamaril sa biktimang si Jeric De Castro Furto.


Sinugod ng suspek na si Jefferson Adora ang biktima sa isang vulcanizing shop sa Barangay Simlong at kinompronta dahil sa nawawala umanong underwear ng kanyang misis.

Sa pagtatalo, nabaril ng suspek ang biktima sa kanyang likod at kaliwang paa gamit ang isang hindi pa matukoy na baril.

Agad namang naisugod sa Batangas Medical Center ang biktima at ngayon ay patuloy na ginagamot habang nakatakas ang suspek na target na ngayon sa manhunt operation ng pulisya.

Facebook Comments