LALAKI SUGATAN MATAPOS MAKABANGGA NG TUMATAWID NA ASO SA DAGUPAN CITY

54

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang lalaki matapos itong makabangga ng asong biglang tumawid sa Dagupan City.

Kinilala ang biktima na si Justine Ungria, residente ng San Fabian.

Sa imbestigasyon ng PNP, pauwi na ang biktima kasama ang isang kaibigan sakay ng motor papuntang San Fabian nang biglang may tumawid na aso sa bahagi ng Bonuan Binloc dito sa lungsod.


Bunsod nito ay tumilapon ang dalawa kung saan ay nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan samantalang swerte namang hindi nasugatan ang kasama nito habang namatay ang asong nabangga nito.

Facebook Comments