Lalaki, sugatan sa pananaksak sa Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang 26 anyos na si Antonio Tamba Jr., matapos saksakin ng kaniyang kinakasama sa Vitas Katuparan sa Tondo, Maynila bago hatinggabi kanina.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Raxabago Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa security guard ng Gat Andres Bonifacio Hospital tungkol sa biktimang isinugod sa pagamutan.

Nag-aaway aniya si Tamba at kanyang live-in partner si Rochelle Abiso nang mangyari ang insidente ngunit hindi na idinetalye pa ang pinagmulan nito.


Ayon sa mga doktor ng ospital, nasa mabuting lagay na ang biktima at wala na itong balak na magsampa ng reklamo laban sa kaniyang kinakasama.
DZXL558

Facebook Comments