Lalaki, Timbog sa Pagbebenta umano ng Iligal na Droga

22

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga kasapi ng PDEA Quirino, PNP Echague, at PIU/PDEU pasado 11:45 kaninang umaga sa Echague, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Francisco Pascua, 55-anyos, may-asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Taggapan, Echague, Isabela.


Positibo umanong nabentahan ni Pascua ng hinihinalang shabu ang isang PDEA agent na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska naman sa suspek ang sampung (10) piraso pa ng pakete ng hinihinalang naglalaman ng shabu na tumitimbang sa 2 gramo at nagkakahalagang P13,000.00.

Gayundin, kinumpiska ang motorsiklo na kanyang gamit, homemade handgun na may lamang apat (4) na bala ng baril.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 si Pascua na nasa kustodiya ng mga otoridad.



Facebook Comments